Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
AARIBA na ang muling pagbubukas ng telon ngayong taon pagkatapos ng humigit-kumulang na dalawang taon.
Muli na namang magpupugay ang The Cultural Center of the Philippines, The Writer’s Bloc, at Tanghalang Pilipino sa paghahandog ng The Virgin Labfest sa kanyang ika-17 edisyon.
Ang Virgin Labfest ay isang pestibal ng mga bagong dulang pangteatro, napapanahon at hindi pa naipalalabas sa anumang entablado. May temang “Hinga” ang 17th Virgin Labfest ay ipalalabas mula Hunyo 16 hanggang 26 sa CCP Tanghalang Huseng Batute sa ganap na alas 2 ng hapon at alas 7 ng gabi.
Nahahati sa apat na set, ang mga dulang tampok sa VLF ngayong taon ay ang mga sumusunod:
SET A: LIFE IS FULL OF SURPRISES
“Walang Bago sa Dulang Ito” ni Eljay Castro Deldoc sa direksyon nina Herbie Go at Tess Jamias
“Mga Balo” ni Maki dela Rosa sa direksyon ni Adrienne Vergara
“Bituing Marikit” ni Bibeth Orteza sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna
SET B: LIFE IS STRANGE FICTION
“Absurdo Events Day” ni BJ Crisostomo sa direksyon ni Mara Agleham
“Liberation” ni Jerry O’Hara sa direksyon ni Dennis Marasigan
“Nay May Dala Akong Pansit” ni Juan Ekis sa direksyon ni Karl Alexis Jingco
SET C: SCHOOL OF LIFE
“Unica Hijas” ni Mikaela Regis sa direksyon ni Pat Valera
“Punks Not Dead” ni Andrew Clete sa direksyon ni Roobak Valle
“Student’s Handbook” ni Anthony Kim Vergara sa direksyon ni Erika Estacio
SET D: LIFE CHOICES
“Fermata”ni Dustin Celestino sa direksyon ni Guelan Luarca
“Huling Haraya Nina Ischia at Emeteria” ni Ryan Machado sa direksyon ni Regina De Vera
“Bienvenuta al lido De Venecia” ni George Vail Kabristante sa direksyon nina Nanding Josef at Antonette Go
Bukod sa on-site performances, mapapanood din ang mga kalahok sa festival ngayong taon via streaming.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang CCP website.
Mabibili rin ang mga tiket sa CCP Box Office, Ticketworld at Ticket2Me.