Advertisers
AKTIBONG muli ang larangan ng SPORTS sa bansa.
Kabilaan na ang mga kaganapang pampalakasan sa Metro Manila at sa buong kapuluan.
Bukas na rin ang mga collegiate leagues,face to face na ang mga ensayo,puno na rin ang mga coliseums,at halos balik na sa normal ang paboritong pastime ng Pilipino na PBA.
May mga hosting na rin tayo ng mga international competitions.
Face to face na rin ang mga press conference ,forum at talakayan.Gudbay na sa birtwal at zoom.
Masigla na ang sports community dahil ang bottomline ay makakabalikwas na tayo mula nang pinaluhod ng inimbento ng ‘da who’ na pesteng pandemyang nakadenggoy sa buong mundo.
Kumikita na ang lahat dahil sa buhay ang livelihood di lang sa sports kundi sa lahat ng aspeto ng ating buhay.
Kung kelan patungo na tayo sa bagong normalcy, heto at nang-aalarma na naman ang mga kildyoy sa DOH at IATF.
Umeeksena na naman sila. Miss na kasi nila ang limelight dulot ng covid dahil gusto nila nakasentro na naman ang pokus ng media oras-oras ,araw-araw nasa panayam sila.
Inaalarma na naman ang sambayanan sa mga binibinyagang mikrobyo pantakot sa tao.
Pag nataranta na naman ang bayan,may kikita tiyak diyan.
Maghunus-dili kayo.sa ibang bansa di na sila nagpa-panic sa panakot na SURGE.
Kung parte naman yan ng plano para idiskaril ang papasok na bagong administrasyon, di niyo magogoyo si PBBM para magpatupad ng panibagong lockdown para pahirapan muli ang bayang nagluklok sa kanya sa pedestal.
Sa halip na maghigpit sa tao,ang pigilan niyo ay ang muling pagbabalik ng kadugyutan sa paligid tulad ng basura,mababaho at maruming palikuran maging sa CR ng mga restoran ,terminal at iba pang establisimyento ay balik- dugyut na naman.
Naglipana na naman ang mga pulubi sa kalye,mga taong grasa, batang solvents, mga natutulog at dumudumi sa mga flyover at underpass,mga nagyoyosi at dyumidyinggel kahit saan.
Marami pang kadugyutan ang bumabalik na siyang dapat pagtuunan ng kinauukulan hindi iyong panay kayong alarma na tumataas na naman ang datus ng mga tinatamaan daw ng salot na mikrobyo..
Kahit na araw -araw kayong nasa tri -media habang nagbababala ng panganib kuno ,hindi yan garantiya na sisikat kayo nang husto para maging pulitiko balang araw.
Tigilan na ang pag-aalarma,don’t DOH it at buwagin na ang AY EY TI EF para hayahay na muli ang buhay,ef-ef… HURRAY!