Advertisers
SASAGUPAIN ng Hall of Fame boxer Floyd Mayweather Jr. ang Japanese mixed martial arts star Mikuru Asakura sa September exibition sa Japan.
Ang dating welterweight world champion, na inilukluk sa International Boxing Hall of Fame Linggo matapos magretiro na unbeaten 50-0 rekord ay tinalo si Don Moore sa exhibition sa Abu Dhabi nakaraang buwan.
Ang petsa, venue at rules ng kanyang laban kontra 29-year-old featherweight Asakura ay e-anunsyo bago matapos ang buwan.
Ika-apat na exhibition match ni Mayweather at pangalawa sa Japan, matapos itaob ang kickboxer Tenshin Nasukawa by TKO sa loob ng 2 minuto noong December 2018.
Tinawag ni Mayweather ang kanyang sarili na “ pioneer of exhibitions” at nangako na pasasayahin ang fans kapag bumalik siya sa September.
Sinabi ni Mayweather na ang kanyang legacy ay naka-ukit na sa bato matapos malukluk sa Hall of Fame.
Nagretiro siya sa professional boxing noong 2017 matapos idispatsa si UFC star Conor McGregor.
“It’s great to go into the Hall of Fame and the great thing about it is I did everything on my terms,” anya.