Viral ngayon ang isang manok panabong nang bilhan ng kabaong at paglamayan sa Barangay Doña Lucia, Quezon, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat, apat na beses nang nanalo sa sabong ang manok na si “Sonny”.
Nanalo ito sa huling laban niya nguni’t malubha ang naging tama na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Dahil kapamilya na raw ang turing ng may-ari kay “Sonny” kaya binilhan nila ito ng kabaong at pinaglamayan.