Advertisers

Advertisers

INARESTONG “BATA” NI MPD CHIEF LEO FRANCISCO, LASING UMANO NANG MAGPUMILIT PUMASOK SA CASINO?? ; HAPPY BIRTHDAY BOSS SY LAI

0 375

Advertisers

Una sa lahat, nais kong batiin ng maligayang kaarawan ang aking kaibigang si Sy Lai Lato, na kagaya ko ay matapat ding kaibigan ng namayapang si Mayor Fred Lim.

Sana ay lumawig pa ang iyong buhay at manatili kang malusog sa lahat ng oras. Happy birthday!!!

Arestado ang isang pulis-Maynila na nagpakilalang tauhan ni Manila Police District Director Gen. Leo Francisco at kasama nitong sibilyan, matapos na magwala nang hindi papasukin sa Casino Filipino,kahapon ng madaling araw sa Sta .Cruz, Maynila.



Itinurn-over sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang suspek na P/ SSg Ryan Aguilar Y Moral , 39 ,nakatalaga sa tanggapan ni MPD- Director Leo ” Paco” Francisco ; at si Quincy Delos Santos,39 , binata ng 760 Coral St.Tondo.

Napag-alaman kay P/ SSg Norberto Pinlac Jr. ng Gandara Police Community Precinct na sakop ng MPD Police Station 11, na ala- 1:30 ng madaling araw nang tunawag ang isang security guard ng Casino Filipino at humingi ng tulong sa Gandara outpost upang maawat sa pagwawala si Aguilar.

Sa imbestigasyon ng GAIS, dumating ang dalawa na lasing na lasing at pilit umanong pumapasok sa Casino Filipino.

Hinarang umano ng mga security guard ang dalawa pero ayaw magpapigil ni Aguilar at ipinagmamalaki pa umano nito na tauhan siya niGen. Francisco.

Sanhi nito ,binitbit ng mga security guard ang dalawa sa Gandara-PCP at itinurn -over sila sa GAIS.



Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 155 ( alarm and scandal) physical Injury at paglabag sa RO 7489 ( drunk Disorderly Conduct) sina Aguilar at delos Santos.

Sabi ng mga taga-Gandara PCP, lasing umano ang nagpapakilalang ‘bata’ ni Francisco nang maganap ang insidente.

Bukas ang pitak na ito kung gusto magbigay ng panig ni Gen. Francisco o ni Aguilar ukol sa bagay na ito, dahil hindi ito maganda lalupa’t ang kapulisan ang inaasahang tagabigay ng proteksyon sa ordinaryong mamamayan.

Sana ay masagot ang mga katanungang gaya ng, ang pulis ba ay pinapayagang mag-casino? Totoo bang ‘bata’ ito ni Francisco? Ano ang ginawang aksyon ni Francisco ukol dito kung totoo man o hindi na ‘bata’ niya nga itong si Aguilar?

Sa ganitong petsa de peligro dahil posibleng magkapalitang ng hepe ng mga police district sa bansa, hindi magandang pangyayari ito para kay Francisco dahil baka makasira ito sa kanyang tsansa na ma-retain o mabigyan ng pagkakataon na magsilbing hepe ng iba namang police district.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.