Advertisers

Advertisers

Andrea nalampasan ang depresyon sa pandemya dahil kay Lord at sa pamilya

0 202

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

LOVELESS sa ngayon si Andrea Torres kaya tinanong namin kung kanino siya kumukuha ng inspirasyon sa buhay?
“Of course number one diyan si God who’s been so good to me. He inspires me to live my life with a purpose. Live life to the fullest.
“Next diyan ang mga goals ko at ang family ko. Marami akong dreams at kasama sila lagi doon.”
Hindi ba siya nakaranas ng anxiety o depression sa panahon ng pandemya? Kung oo, paano niya ito nalampasan?
“Meron din po lalo na nung hindi pa natin ma-pinpoint kailan siya matatapos. Nayanig talaga ang mundo at dumaplis din sa isip ko na it may never go back to how it used to be.
“Una ko pong ginawa siyempre nagdasal talaga. Lahat ng worries ko binigay ko sa Itaas.
“Reading, listening and watching inspirational and self-help content also made a huge difference.
“Also yung support system. Kapit-kapit kayo ng mga mahal mo sa buhay. Maganda rin siyempre meron kang nakakausap para maiwasan yung pag-o-overthink.
“But it’s easier said than done. It’s really a process so you have to be kind to yourself and take it one step, one day at a time.”
Sa dami ng mga napuntahan na niyang lugar, tulad ng mga lugar na napuntahan niya sa shooting ng Pasional, kahit may pandemya, saan pa niya nais pumunta at magbakasyon at bakit?
“Marami pa po. Travel po talaga ang tinuturing kong reward sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay. Gusto ko po makapunta ng Paris, Italy, Spain, Rome, Greece, Switzerland… and the list goes on. He! He! He!
“Marami rin po akong napuntahan na gusto kong balikan.”
Bida si Andrea Torres ngayong 2022 sa international movie na Pasional na gaganap siya bilang isang dancer.
Ang mga banyagang nakatrabaho ni Andrea sa Pasional ay ang kanilang assistant director na si Nicolas Cacciavillani; ang director of photography na si Gio Croatto; ang kanilang direktor na si Francisco D’Intino; at ang kanilang producers na si Luciano Croatto, Agustin Clerico ng Malevo Films of Argentina at ang Filipino independent producer na si Noel Maximo; co-producer din nila siyempre ang GMA Films.
Ang leading man naman ni Andrea sa Pasional ay ang Argentine actor na si Marcelo Melingo.
***
MAY inihandang awitin si Zoren Legaspi para sa pagtatapos ng mahabang lock-in taping ng Apoy sa Langit.
Si Zoren ay napapanood sa tinututukang GMA Afternoon Prime Drama bilang si Cesar.
Ayon sa Instagram post ni Zoren, ito ay last song niya bago umalis sa set ng Apoy sa Langit. Kinanta ni Zoren ang “Until I Found You” ni Stephen Sanchez.
Saad ng aktor, “last song ko before leaving our 2 months lock-in #apoysalangit”
Sa nakaraang post ni Zoren ay nagpasalamat siya sa mga sumusubaybay sa kanilang serye. Ani Zoren, “Gusto ko lang po magpasalamat sa inyo sa pag supporta ng Apoy sa Langit. Its breaking records in terms of TV ratings and online views.”
Saad pa ni Zoren ay huwag magpapahuli sa mga susunod na magaganap sa Apoy sa Langit.
“Marami pa mangyayari na kaabang abang. Salamat po muli sa inyo d’d’d’”
Ang Apoy sa Langit ay patuloy na nagtatala ng mataas na ratings sa TV at views online. Nitong June 29 umani ng 7.6% rating ang Apoy sa Langit ayon sa NUTAM People Ratings.
***
PAANO kung ang mismong kakambal ay isang ahas na sisirain ang babaeng pinakamamahal ng kanyang kambal?
Babae, nabuntis ng kambal ng kanyang asawa!
Ito ang kontrobersyal na kuwentong tampok sa Magpakailanman o #MPK ngayong Sabado na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Rhian Ramos. Abangan!
‘Yan ang kuwentong dapat niyong pakatutukan sa #MPK episode na “Kakambal Kong Ahas,” ngayong Sabado ng 8:15 PM sa GMA!