Advertisers

Advertisers

CONGRATULATIONS PILIPINAS… YOU JUST MARRIED YOUR RAPIST

0 343

Advertisers

SIMPLE lang ang sinabi ni Prof Cesar Polvorosa Jr: “Tapos na ang pagmumura sa taong bayan… Ngayon naman dinidilaan!… Saklap!…”

Komento ng isang akademiko sa nagisnan sa inagurasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagbelat ni Liza Araneta-Marcos sa harap ng mga kamera,isang kilos na agad naging viral. Huwag na tayo magpatumpik-tumpik. Sa isang marangyang okasyon katulad ng presidential inauguration, nararapat lang na wag gawin ang ito. Unang-una, hindi magiging maganda ang impresyon ng makakasaksi nito; ito ay malaking pambabastos sa lahat ng sumaksi at sa solemnidad ng okasyon. Batid ng marami na ang pagkapanalo ng anak ni Ferdie Sr. Ay maraming kalakip na tanong kaysa sagot. Maliwanag ang sinabi ni Bonifacio Ilagan, convenor ng CARMMA:

“Hindi porke meron siyang 31 million ‘di umano, ay hindi na nagnakaw ang kaniyang tatay; hindi na nagkaroon ng malawakang human rights violations; o inosente na si Marcos Jr. Napakalaki ng partisipasyon ni Marcos Jr. sa rehimen ng kanyang ama…”



Alalahanin mo Madame Liza na marami pa rin balakid ang hinaharap ninyo para tanggapin ng matiwasay ang administrasyon ng kabiyak mo dahil maraming tao ang hindi naniniwala sa pagkapanalo ng asawa mo. Huwag na natin pansinin ang talumpati na inako niya ang hindi dapat akuhin dahil sa pag “paraphrase” ko sa lyrics ng awit ni Michel Legrand:

“Those are just the windmills in his mind…”



Kung naging “special child” ka, iintindihin ka pa. Pero ikaw ngayon ang tumayong “first lady” ng bansa. Insulto sa okasyon ang ginawa mo.Lalong tumatabang ang pananaw ng tao sa kabiyak mo.

***



Noong June 28, kinatigan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanilang desisyon na bawiin ang Certificate Of Incorporation ng Rappler Inc. at ng Rappler Holdings Corporation at inutos nila ang agarang pagsara ng pahayagan, dahil sa paratang na ang Rappler Inc, at Rappler Holdings Corporation ay pagmamay-ari ng mga banyaga. Nakasaad sa Saligang-Batas ng Republika ng Pilipinas na bawal maging may-ari ng isang pahayagan o “media outlet” sa hindi Pilipino. Ang National Union of Journalists ay naglabas ng opisyal na pahayag:

STAND TOGETHER AGAINST ALL ATTEMPTS TO SILENCE US

“The National Union of Journalists in the Philippines stands with RAPPLER and its journalists and staff as the government moves to shut down the independent news site over issues with its Securities And Exchange registration.

The order to shut down RAPPLER comes on the heels of the National Telecommunications Commission’s moves to block alternative news sites Bulatlat and Pinoy Weekly and to regulate blocktime broadcasting arrangements that contribute more uncertainty to the media landscape in the Philippines.

Throughout the six years of the Duterte administration, we have seen lawsuits and regulatory processes used as tools to muzzle the press and these, as much as the touted infrastructure projects, form part of the Duterte legacy. It is clear now, if it had not been clear before, that the journalism community and the communities that we report about and for, must stand together against government moves to harass, restrict, and silence any of us to keep the press free for all of us…”

***

Heto ang sinabi ni Maria Ressa sa isang panayam nung 2020:

“Journalists have been targeted in ways that we’ve never gone through since the days of (Marcos Sr.). In less than two years I’ve had 10 arrest warrants against me and I haven’t done anything different from what I’ve been doing…”

Ang maliit na mamamahayag na ito ay nakikiisa sa Rappler, at sa mga pahayagang Bulatlat at Pinoy Weekly.

Kailanman hindi dapat buslan ninuman ang malayang pagpapahayag.

TIGILAN ANG PAGSUPIL SA MALAYANG PAMAMAHAYAG

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Dahil hindi kami tinuring na kakampi, hindi kami itinuring na bahagi ng pamahalaan, natuto kami na maghanap ng paraan. To my mind, ayun ‘yung nagpahusay sa amin…”- Atty. Leni Robredo

“Calida in COA is like having an alcoholic as bartender…

And no… I will not shut up, and I stand with Rappler…” – Mitch Valdez

“So this is how liberty dies.. with thunderous applause…” – Padme Amidala, Star Wars The Empire Strikes Back

“Congratulations Pilipinas…

You just married your rapist…”

– The Village Idiot

“I Am Not Going To Die Yet…” – Juan Ponce Enrile

***

mackoyv@gmail.com