Advertisers

Advertisers

Kylie sobrang tuwa nang mapansin ni Paris Hilton ang OOTD post

0 189

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SOBRANG flattered ang 2016 Ms. International na si Kylie Verzosa dahil hindi niya akalaing ang kanyang OOTD post ay mapansin ng international socialite at hotel heiress na si Paris Hilton.
Kulang na lang ay maglulundag sa tuwa ang beauty queen-actress dahil ikaw ba naman ang mapansin ng isang kilalang American media personality at billionaire.
Ang kanyang OOTD ay na-upload sa UnofficialPHCrown, isang social media page na nagtatampok sa Pinay beauty queens.
Ikinawindang din ni Kylie ang komento ni Paris sa kanyang crocheted ensemble na :”That’s hot.”
Na-curious pa ito at nagtanong pa kay Kylie na: “Where is this outfit from?”
Hindi naman napigilang magpaka-faney ng Viva artist dahil sa compliments sa kanya ni Paris.
Nagbiro naman si Kylie as if parang close friend niya ang kilalang socialite.
“Beshy!! Wait send ko link,” sagot ni Kylie.
May kibitzers namang nagsasabing girl-pal na sila ni Paris
Inirepost din ni Kylie ang screenshot ng nasabing video at maging ang komento ni Paris sa kanyang Instagram account na umani ng maraming likes.
May ilan namang mahaderang nag-react na tila ‘natomboy’ daw si Paris kay Kylie na nagmumura ang kaseksihan kahit hindi pa magsuot ng revealing outfits.
Sa ngayon, nananatiling single pa rin si Kylie pagkatapos ng kontrobersyal na hiwalayan nila ng ex na si Jake Cuenca.
Nananatiling mum naman ang dalawa sa real score ng kanilang breakup maliban sa sinasabi ng mga kampo nilang tulad ng ibang magdyowa ay nagkaroon sila ng irreconciliable differences.