Advertisers

Advertisers

Rita nagtapat, ‘di handa sa pagbubuntis

0 231

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISTILO ni Winwyn Marquez ang ginagawa ngayon ni Rita Daniela pag ang topic na ay ang ama ng kanyang pinagbubuntis, na ipanatili nito ang privacy ng partner hanggang dumating ang tamang panahon.
Say kasi ni Rita, masyadong private raw ang kanyang boypren at usapan nila ito bago pa man ilantad ni Rita ang kanyang pagbubuntis sa publiko.
“It’s my non-showbiz boyfriend, and it’s my decision not to share anything about us, about him to everybody because he’s not a showbiz personality. He’s a private person and our relationship has always been private,” say ni Rita.
May mga malisyosong basher si Rita na nagtanong kung bakit kailangan pa raw na lumaki na muna ang kanyang tiyan bago niya ini-announce sa publiko ang kanyang pagbubuntis.
“Some things in life na ang sarap na ikaw lang muna ang nakakaalam, ’yong tini-treasure mo ’yong blessing na ’yon. Ninanamnam mo ’yong good news,” dagdag na say pa ni Rita.
Aminado rin si Rita na hindi talaga siya handa sa kanyang pagdadalangtao ngayon.
“But this blessing reminded me na, no, I won’t feel that anymore because I will have someone that whatever I do, I may fail or not, but that someone will see me, he or she will love me with all of his/her heart,” say pa rin ng singer/actress.
***
HULING pelikulang nagawa ni Ruffa Gutierrez ay isang Metro Manila Filmfest official entry na “The Mall, The Merrier” last 2019 at guest role lang siya rito.
Kaya nang ialok sa kanya ang role bilang dating first lady na si Madam Imelda Romualdez Marcos para sa movie na “Maid in Malacanang” ay agad niya itong tinanggap kahit pa sabihin magdo-double time siya para mapag-aralan ang kanyang role.
Ilang linggo lang kasi ang kanilang magiging shooting days dahil may playdate na ang biopic na “Maid in Malacanang” sa July 20. Isa sa nagbigay inspirasyon kay Ruffa para tanggapin ang alok bukod pa sa lead role at leading lady ni Cesar Montano na lumabas naman bilang yumaong dating presidente na si Ferdinand Edralin Marcos, Sr., ay aminado itong big fan siya ni Madam Imelda noon pa mang kabataan nito.
“I first met her when I was only 18 years old. She was celebrating her birthday then at the Manila Hotel and I attended. She was so elegant and glamorous so I quickly became a fan, kaya when the offer to play her came, I quickly accepted it. I can see she knows how to practice grace under pressure,” say ni Ruffa.
Bukod kina Cesar at Ruffa, kasama rin sa pelikula na dinerehe ni Darryl Yap, sina Diego Loyzaga bilang young Bongbong Marcos, Cristine Reyes as Imee, Ella Cruz as Irene, Kyle Velino as Greggy Araneta and Kiko Estrada as Tommy Manotoc.
Playing the maids who were then serving the Marcoses are Elizabeth Oropesa as Yaya Lucy, the meddlesome maid everyone is scared of; Karla Estrada as Yaya Santa, the family’s favorite yaya; and Beverly Salviejo as Yaya Biday, the Ilocano Yaya.