Advertisers

Advertisers

MALAWAKANG BALASAHAN NG MGA DEPARTMENT HEAD SA MAYNILA, PINAKA-AABANGAN NG MGA MANILENYO

0 215

Advertisers

Sabik at pinaka-aabangan ng mga Manilenyo ang malawakang balasahan ng mga department head at ibang mga major post sa ilalim ng administrasyon ni Mayora Honey Lacuna.

Iyan ang sinasambit ng ating mga kababayan sa Lungsod ng Maynila para maiba naman daw ang kalakaran, for a change, ika nga.

Pinapalagay ng marami na mas matikas ang ilalagay sa pwesto ni Mayora na hihigitan pa kung sakali ang mga accomplishment ng nakaraang administrasyon sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno.



Sa ngayon daw ay wala pa silang nararamdamang pag-babago dahil lumalabas daw na parang si Yorme pa rin ang nagdadala ng martsa sa kadahilanang mga tao pa rin niya ang nagpapatupad ng mga kalakaran.

Ilan sa mga major post na kanilang tinutukoy ay ang DPS at MTPB na kasalukuyan pa ring pinamumunuan nina Lilibelle Borromeo at Dennis Viaje na matic nga naman dapat ng palitan.



Mantakin niyong tatlong taong singkad hawak ng mga ito ang nasabing mga departamento sa buong termino ni Yorme. Dapat daw sana na kusang-palo na itong bumaba for delicadeza.

Bagamat maganda at nararamdaman natin ang kanilang naging palakad, dapat din naman sigurong bigyan ng tsansa ang iba na siguradong meron din ibang istilo sa pamamalakad.



Maliban sa mga nabanggit na mga departamento, marami pa daw na ibang pwestong ” as is ” pa rin ang mga hepe at mga tao. Halos lahat anila ay mga tao pa rin ng naka-raang administrasyon.

Kumbaga sa ating bagong Pangulong BBM, binalasa at pinalitan nito sa pamamagitan ng major revamp ang naka-raang gabinete na dapat lang para sa kanyang administrasyon.

May mga lumalabas tuloy na mga alingasngas na parang si Yorme pa rin daw ang nagpapatakbo sa lungsod at tila symbolic figure lang daw si Mayora Lacuna.

Iyon naman ay pawang mga tsismis lang at hinala. Wait and watch lang tayo dahil baka bumebwelo lang si Mayora at nahihirapan pang pumili ng mga taong ila-lagay niya sa posisyon.

Hindi naman siguro sasayangin ng Punong Lungsod ang pagkakatong ito dahil significant at history sa kasaysayan ng Maynila ang kanyang naging destiny.

Biruin niyong ito ang unang pagkakataon na nag-karoon ng isang babaeng Alkalde ang Lungsod ng Maynila after 450 years, wow na wow, di po ba?

Na break din niya ang ‘Jinx” na ang mga Lacuna ay pang Vice- Mayor lang kagaya ng nangyari sa kanyang amang si Danny Lacuna na totoo namang ilan beses din tumakbo sa pagka Mayor ngunit hindi pinalad.

Ngayong ikaw na ang Alkalde ng Maynila, halos lahat ng mga Manilenyo ay naghihintay ng iyong magiging palakad, hakbang at programa para sa progreso ng ating mahal na lungsod.

All eyes ay naka-focus sa iyo mahal naming Alkalde kung kaya’t GO GO GO na dahil maraming umaasa at nag-titiwala sa inyong kakayanan, harinawa’y huwag silang ma-bigo. God Bless at MABUHAY KA!