Advertisers
TAMA ang ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na buwagin ang mga departamento sa gobierno na duplication lang ng trabaho ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Tulad nitong Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na binuo ng nakaraang Duterte administration upang bantayan kuno ang mga appointee ng dating pangulo para hindi makapangulimbat. Pero moro-morong imbestigasyon lang ang ginawa. Animal!
Hindi naman talaga kailangan ang PACC dahil nandiyan na ang Department of Justice at Ombudsman na ang mandato ay mag-imbestiga at mag-gawad ng hustisya.
Malaking tipid sa gobierno ang pagbuwag sa PACC. Good move, Mr. President!
Nilusaw din ni PBBM ang Office the Cabinet Secretary. Wala naman kasi itong silbi. Dagdag gastos lang!
Marami pa raw bubuwaging departamento na duplication lang ng trabaho ng isang ahensiya. Na kaya lang binuo ng mga nakaraang administrasyon ay para maipuwesto ang mga kaalyado. Animal!
Sa panahon ngayon na hikahos ang gobierno sa pananalapi, bunga ng pandemya ng korapsyon ng nagdaang administrasyon, tamang lusawin lahat ang mga departamento na walang silbi at dagdag pahirap lang sa kaban ni Juan. Mismo!
***
Nagkaroon ng matinding balasahan sa Manila City Hall. Ang mga tao ng mga nakaraang administrasyon pati ang kay Isko ay itinapon sa mga walang bilang na posisyon, habang ang mga tao ng kasalukuyang alkalde, Honey Lacuna-Pangan, ang inilagay sa makakatas na puwesto.
Ganyan talaga, repapips: Weder weder lang! Bawi nalang kayo sa 2025. Hehehe…
Nag-aangalan din ang mga vendor sa hindi na raw makataong pagtrato sa kanila ng mga tauhan ng Department of Public Service (DPS) ng MCH. Kinukumpiska raw ang kanilang mga paninda ng walang balikan. Pati ang mga videoke na nagkakahalaga more or less P20K bawat unit ay kinuha ng mga taga-DPS.
Hmmm…kaya naman siguro kinukumpiska ng DPS ang mga paninda ay dahil nasa kalye na ito, istorbo na sa mga motorista at commuters. At sa tingin ko ay nagpapatimbre lang ang bagong hepe ng task force. Ehek!
Oo nga pala. Para sa taga-Manila Traffic and Parking Bureau: Pakipasadahan nyo nga ang Zaragosa st. sa Delpan, Tondo, mula sa harap ng Gat. Andres Hospital. Ang mga tindahan ng coco lumber dyan sinakop na ang isang lane. Tapos ginawa nang terminal ng mga jeep ang magkabilang lanes. Masikip na sa mga motorista. Ang mga tao sa kalsada na dumadaan. Animal!
***
Tumaas pa ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas. Umabot na raw sa 2.93 million! Aray ko!
Talagang tataas ang bilang ng jobless dahil hindi na kayang magpasueldo ng marami ng mga naluluging business establishment. Kailangan magbawas para masustine ang negosyo.
At dahil nga sa mga makabagong teknolohiya, hindi na kailangan ng maraming empleyado o trabador ang isang kompanya.
Ang advise ko sa mga walang trabaho, kung may probinsiya kayo, magbalik-probinsiya nalang at magsaka, mamuhay ng tahimik at maghalal ng matitinong kandidato kapag eleksyon.
God bless sa ating lahat…