Advertisers

Advertisers

ATONG ANG NAGBUWIS NG P2.6 BILYON SA GOBYERNO!

0 280

Advertisers

Ang nagsisilbing CHAIRMAN ng LUCKY 8 STAR QUEST na si CHARLIE “ATONG” ANG ang itinuturing ngayong pinakamalaking TAX PAYER sa ating bansa.., dahil sa isa’t kalahating-taon ng kanilang operasyon ay nakapagremit sa gobyerno ng P2.6 bilyon.

Bukod diyan.., ang CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY (CSR) ARM ng LUCKY 8 STAR QUEST na PITMASTER FOUNDATION INC na ang CHAIRMAN nga nito ay si ATONG ANG ay nakapag-donate na rin ito nang mahigit na P955 million sa iba’t-ibang programa kabilang na ang pagtugon sa Covid 19 at vaccination, mga gamit sa ospital at rehabilitasyon, disaster at hunger relief, livelihood assistance at iba pang programa.

Ang mahusay na katuwang ni ATONG ANG ay si ATTY. CAROLINE M. CRUZ.., dahil ito ang EXECUTIVE DIRECTOR at lubos na nagmamalasakit sa pagpapatakbo ng PITMASTER FOUNDATION na isang NATIONAL CHARITABLE ORGANIZATION.



Marami pa rin ang hindi nakaaalam na ang nasabing foundation ay may malakas at matatag na relasyon sa mga komunidad at institutional partners.., ito rin ay isa sa pinakamalaking private sector na pinagmumulan ng medical at financial assistance para sa mga mahihirap.

May mga SULTADOR ang nagbulong sa ARYA.., na noong unang taon ng liderato raw nina ATONG ANG at ng DIRECTOR niyang si ATTY. CRUZ, ay nag-ikot sa buong bansa kahit may umiiral na pandemya.., yan ay upang matulungan nila ang libolibong mga FILIPINO mula LUZON hanggang MINDANAO.



Dahil diyan ay nag-iwan ng marka bilang pakahulugan sa salitang PITMASTER na ang ibig sabihin ay “PROVIDING INDIGENT TIMELY MEDICAL ASSISTANCE SERVICE AND TARGETED EMERGENCY RELIEF”.

Inihayag nitong si ATTY. CRUZ na umabot na sa bilang na 13,000 FILIPINOS ang natulungan ng foundation sa pamamagitan ng dialysis treatments na isa sa napakalaking pabigat sa bulsa ng pamilya.. may mga naasistehang pasyente na may sakit sa kidney.., at nakapagbigay na rin ito ng pagkain sa may 350,000 FILIPINO FAMILIES, na siyang labis na kailangan sa panahon ng COVID-19 PANDEMIC LOCKDOWNS.



Nalagpasan na rin ng PITMASTER FOUNDATION ang sarili nitong record pagdating sa kanilang adhikaing tumulong.., kabilang na riyan ang mabigyan ng tig-iisang AMBULANCE ang bawat LALAWIGAN sa ating bansa.., at sa kasalukuyan ay umabot na sa 137 AMBULANCES ang naipamigay at patuloy pa sa mga lalawigan na humihingi ng ayuda.

Bilang patunay ay mismong ang LEAGUE OF GOVERNORS PRESIDENT sa ating bansa ay puring-puri nito ang PITMASTER FOUNDATION .., na ang naging litanya nito ay “the Foundation is always just one text away whenever they need help.”

Ipinunto ni ATTY. CRUZ na layunin ng kanilang FOUNDATION ay ang makatuwang ang gobyerno, civil society, at iba pang partners upang magkaroon ng katuparan ang misyon nito na direkta at buong pagmamalasakit na pagtulong sa mga Filipino na higit na nangangailangan.

Mga ka-ARYA.., hindi lang pala ang PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) at PAGCOR ang nakapag-aambag ng malaking katulungan sa ating mga kababayang naghihikahos sa buhay.., nariyan din pala ang PITMASTER FOUNDATION nina ATONG ANG at ATTY CRUZ na bukod sa nakapagreremit ng bilyong pisong halaga ng buwis sa gobyerno ay naglilibot din pala sila sa iba’t ibang panig ng ating bansa para makita ng aktuwal ang mga naghihirap na dapat mabigyan ng agarang katulungan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.