Advertisers
Arestado ang isang babae ng makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng ng higit sa P2 million habang bumibista ito sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ang nahuli na si Raquel Zuñiga, 33, taga Marasaga Street, Tatalon, Quezon City.
Sa report na natanggap ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, director ng Southern Police Dictrict (SPD), naganap ang insidente 1:00 ng hapon sa Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BuCor) sa NBP, Muntinlupa City.
Nabatid na nagsasagawa ng body searching ang mga personnel ng BuCor sa IVSU, Maximum Compound para sa mga bisita ng Persons Deprived of Liberty (PDL).
Nang kapkapan si Zuñiga, nakuhanan ito ng 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,380,000.00, na nakatakda nitong ipasok sa loob ng bilangguan.
Nahaharap si Zuñiga sa kasong paglabag sa Section 11 Article II of RA 9165. (Gaynor Bonilla)