Advertisers
Sa araw na ito ay nais nating iparating sa mabunying si General Antonio Yarra, regional director ng PNP Calabarzon ang eksaktong mga lokasyon ng mga iligal na pasugalan ng isang nagngangalang BABY PANGANIBAN na umano’y kanyang kumareng putik.
Yes po dear readers, kumareng putik umano ng heneral na nakakasakop at namumuno sa kapulisan sa bahagi ng Southern Luzon na binubuo ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Sa lawak at laki ng AOR nitong si Gen. Yarra, di natin maarok kung gaano kalaking halaga ng salapi ang sinasalok nitong talipandas na si BABY PANGANIBA mula sa kanyang iligal na opisyo ng PASUGAL.
Gamit na gamit ang pangalan ni Gen. Yarra sa operasyon ng mga peryang may sugal (PERGALAN) nitong si BABY PANGANIBAN.
Ilang lamang po sa astig at kupal na mga aso ng gambling queen na tagapamahala at engkargado ng kanyang salot na pasugal ay ang mga hindot na sumusunod;
BUKNOY, ROMMEL, JAYSON, SING, DOODS, at MITCH na ang tingin sa mga tauhan ng PNP Region 4A ay pawang mga patabaing baboy na gutom na gutom at hayok na hayok sa intelihensiya (PAYOLA).
Kahit ganitong PATAY-GUTOM ang tingin ng mga hijo de putang aso ni BABY PANGANIBAN sa mga kapulisan, walang magawa ang mga ito maging ang mga may ranggong opisyal kundi ang makisama at tangkilikin ang gambling empire nitong si BABY PANGANIBAN.
Paano ba naman, nakapaskel sa mga puwesto-pijong sugalan ni BABY PANGANIBAN ang larawan nito kasama ang matataas na opisyal ng PNP at mga kilalang pulitiko ng Southern Tagalog.
Ang sigurado kung bakit nasa mga pasugalan itong ni PANGANIBAN ang kanyang larawan kasama nga ang mga makakapal ang mukhang VIPs ay para magpakita ng kanyang kupal na impluwensiya.
Panakot sa daga marahil at sa ilan pang pumupuna at sumisita sa kanilang iligal na gawain.
Hindi lamang makailang ulit nating binanggit dito sa ating kolum kung gaano ka-galante ang tinaguriang untouchable gambling queen ng CALABARZON!
Very generous umano ito sa kanyang mga kaibigang VIPs gaya nitong si Gen. Yarra at sa iba pang opisyales ng PNP.
Hindi na tayo nagtataka na kung may okasyon sa opisina ni YARRA ay itong si BABY PANGANIBAN ang punong-abala at nagkukumahog sa pag-aasikaso.
In short, sagot ni KUMARENG PUTIK ang lahat ng gastos.
Wow!
Ayos na ayos!
Catering ba?
Hindi lamang po mga opisyales ng PNP at mga kilalang pulitiko ang nakanguyapit sa saya ng GAMBLING QUEEN kundi mga kapwa rin natin kabaro sa media.
May kilala nga tayo diyan ng amoy lupa na ngunit mapula pa rin ang hasang dahil mamumuraot sa grasya mula sa payolang dumarating mula kay BABY PANGANIBAN.
Ito ang tumatayong liason officer at tulay (conduit) ng gambling queen sa kapulisan, miyembro ng media at mga pulitiko.
Puwesto ni BABY PANGANIBAN sa CALABARZON:
Sa Batangas sa Bayan po ng Sto. Tomas, meron po sa barangay San Pedro at barangay San Roque Meron di po sa Bauan, San Pascual, Lemery at Lipa City.
Sa may Laguna ay meron din po gaya ng sa bayan ng Paete,Sinoluan Bae at Pagsanjan.
Sa Calamba City , Cabuyao Banlic ,Parian Calamba Parian Loob, Katapatan/ Cabuyao, Villa Solano.
Sa Quezon sa Bayan ng Lukban, Sariaya, Tiaong, Candelaria at Lucena.
Sa Rizal sa Bayan ng Binangonan, Morong at Angono.
Sa Cavite naman ay sa Bayan ng Kawit at General Mariano Alvarez (GMA).
Ilan lamang po ‘yan sa mga pasugalang isinusuka ng mga lehitimong residente ng nasabing mga lugar na nagsisilbing salot sa kanilang pamumuhay dahil sa masamang epektong dulot ng SUGAL sa kanilang mga mahal sa buhay.
Nais sana nating iparating ang katarantaduhang ito kay PNP OIC, Lt. General Vic Danao ngunit maging itong si Danao ay nasa listahan din ni BABY PANGANIBAN at isa rin umano sa kanyang ipinagmamalaking KUMPARENG PUTIK.
No questions tayo dito dahil galing din ng PNP Region 4A itong si Danao at pinamunuan din ang nasabing police command ng may ilang panahon.
Sa panahon ni Gen. Danao sa Calabarzon area, hindi po natinag ang operasyon nitong si BABY PANGANIBAN.
Ngayon, kanino po tayo puwedeng lumapit at magreklamo?
Puwede kaya kay DILG Secretary Benhur Abalos o kay Executive Secretary Atty.Vic Rodriguez?
May natitira pa ring pong opisyal ng PNP na hindi nabago ng panahon ang kanyang integridad at kalidad ng pagkatao.
Siya po si CIDG Director Eliseo Cruz na wala pong kinakatakutan at sinisino sa kanyang matapat na pagpapatupad ng batas.
Siya lamang po ang bukod-tanging naiisip nating puwedeng kumalos at umindulto dito sa manggagamit na si BABY PANGANIBAN.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com