Advertisers

Advertisers

Gulo sa bagong P1k bill

0 208

Advertisers

MAINIT na pinagdedebatehan ngayon ang bagong labas ng Central Bank na P1K bill na polymer.

Mayroon kasing mga bawal dito para hindi tanggapin ng mga tindahan tulad ng lukot, marumi, may sulat, may sobrang tupi, may punit, may staple, at may damage ang mga larawan o security features.

May mga kaakibat ding parusa ang makukuhanan ng may damage na bill na ito: Multa ng P20K at may kulong pa. Araguy!



Tulad ng isang netizen na pinost sa Facebook ang kanyang naranasan sa paggamit ng bagong P1K bill (polymer) sa isang mall. Hindi raw tinanggap kasi may tupi. Eh hindi naman daw niya alam na bawal pala tupiin ang naturang bill.

Post ng netizen na si Reylen Reyes sa FB: “Wag na po kayo mag-ipon ng bagong P1K! Bawal daw i-fold o tupiin. I-pangbabayad q sana to. Hindi nila tinanggap. Bawal daw tupiin. Hindi kami na-inform. Ako lang ba hindi nakakaalam? Haisst!”



Ang bagong P1K bill ay mas malaki rin ang sukat kumpara sa mga naunang bill. Kaya kailangan ng mas malaking wallet na singhaba ng bill na ito. Eh karamihan ng mga binebentang wallet ngayon ay kasukat lang ng mga naunang perang papel. Paano ba ito? Hehehe…

Reak naman ni netizen Mario Gallego: “Maling mali dyan ang Bangko Sentral. Bakit sila gumagawa ng pera para magbigay ng problema sa tao?” Oo nga naman! Hehehe…



Sabi naman ni netizen Gale Valle: “Paano kung mahawakan ng bata ang pera na yan at nalukot? Eh ‘di nawalan agad ako ng P1K? dahil hindi na puwedeng ipambili. Ano ba yan?”

“Ano ba ang gusto mangyari ng Central Bank, itatago nalang namin ang bill na yan para hindi madumihan, hindi magkupas, at hindi malukot? Ay naku…ayaw ko nang humawak ng perang yan, baka hindi ko pa mapakinabangan. Inyo nalang yan!,” reak ni netizen Jessica Marin.

Naglabas naman ng palilinaw ang Bangko Sentral ng Pilipinas:

Ayon sa BSP, ang may tupi na perang papel, polymer man o hindi, maari paring tanggapin bilang bayad sa lahat ng establishments.

Binigyang diin ng BSP sa mga tindahan at mga nagtatrabaho sa bangko na tanggapin parin ang naituping pera na ginagamit sa iba’t ibang transaksyon.

Ang pahayag na ito ng BSP ay kasunod ng ilang reklamo sa social media kaugnay sa hindi pagtanggap ng ilang establishments ng P1K polymer banknote na may bakas ng pagkakatupi.

Sa website ng BSP, inilathala nito ang ilang paraan kung paano mapangangalagaan ang mga polymer banknote.

Nilinaw ng ahensiya na ang guidelines ay epektibo sa lahat ng uri ng perang papel, hindi lamang sa P1K polymer bill. Ito ay upang mapaalalahanan ang publiko at mapangalagaan ang integridad ng pera gayundin upang tumagal ang gamit ng mga ito.

Hinikayat din ng BSP ang publiko na huwag agad paniwalaan ang mga naka-post sa social media dahil ilan sa mga ito ay “misleading” at nagdudulot ng pagkalito.

Nagpaliwanag naman ang pamunuan ng SM Mall na siyang tinutuloy sa post: Tinatanggap anila ang anomang bill na may tupi maliban kung ito ay “unfit” o “may mantsa, sulat o marka, kupas, lukot, o lupaypay na ngunit matutukoy ang denominasyon at ang pagiging tunay nito.”