Advertisers

Advertisers

5 talampakan high tide nanalanta sa Pampanga; iskul lubog sa baha

0 210

Advertisers

Malaking bahagi ng Pampanga ang inulan nitong Martes dulot ng low pressure area na pinalala ng habagat, kaya bumaha muli sa mga mababang lugar sa probinsya tulad sa bayan ng Masantol.

Ilang araw bago ang muling pagbubukas ng klase ng mga estudyante, inabutan na rin ng tubig ang kanilang mga paaralan tulad ng Bagang Elementary School.

Lubog ang school grounds at mga classroom. Para hindi mabasa, ang ilang estudyante tumutungtong sa mga desk para makapagsulat.



Ayon kay Masantol Mayor Jose Antonio Bustos, hindi lang ulan ang may sala sa baha.

“Dahil kasi sa mababang lokasyon ng bayan ng Masantol, at nakatabi sa ilog at dagat, apektado ito ng high tide,” aniya.



Paiba-iba ang taas ng high tide sa tala ng lokal na pamahalaan at MDRRMC sa water level of high tide ngayong buwan: July 12 – 4.6ft (7:45am); July 13 – 4.9ft (8:33am); July 14 – 5.2ft (9:25am); July 15 – 5.2ft (10:16am); July 16 – 5.2ft (11:08am); July 17 – 4.9ft (11:59am).

Pinakamataas ang high tide na mararanasan sa bayan nitong Huwebes na abot ng lampas 5 talampakan.



Ilang bahagi ng Banaue, Ifugao nakaranas ng matinding baha

“Actually sa July 14, ito pong darating na Thursday hanggang Saturday, July 16, ito ang peak na water level ng high tide sa buong taon. Ito po ay nasa height na 5.2 feet from the normal surface ng water level ng ating ilog,” ani Bustos.

Inaabisuhan na ng lokal ang mga residente na itaas ang mga kagamitan sa bahay at lumukas ang mga nakatira sa tabing ilog.