Advertisers

Advertisers

Isla sa El Nido tinangkang sakupin, 26 huli

0 207

Advertisers

Napigilan ng mga awtoridad ang tangkang pagkubkob sa isang isla sa El Nido, Palawan nitong buwan.

Sinabi ni El Nido Police acting chief Rex Vilches, sinubukang i-takeover ng mga miyembro ng H-World United Nation Military Philippines Government ang Tawtawan Island sa Sitio Lagpan, Barangay New Ibajay noong Hulyo 4.

Natalo ng nasabing pseudo-military group ang security guard pati na mga empleyado ng isang resort sa isla.



Ayon kay Vilches, na mabuti na lamang may nag-report sa kanila na isang indibiduwal tungkol sa security guard nila na kinunan ng baril.

Naaresto ang mga suspek noong Hulyo 5 habang pinaghahanap pa ang 14 sa kanila.



Nabuwag na ang H-World sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Pinamunuan ito noon ng pumanaw na aktor na si Royette Padilla, kapatid ni Senador Robin Padilla.