Advertisers

Advertisers

Confirmatory RT-PCR tests, libre pa rin sa Maynila – Mayor Honey

0 328

Advertisers

HINDI pa natatapos ang COVID-19 at patuloy na tumataas ang mga kaso nito, dahil dito ay tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga Manileño na patuloy na libre at walang bayad ang confirmatory RT-PCR tests sa lungsod.

Ang nasabing test, ayon kay Lacuna ay makukuha sa anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod kabilang na dito ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center; Ospital ng Tondo; Justice Abad Santos General Hospital; Ospital ng Sampaloc; Ospital ng Maynila and the Sta. Ana Hospital. Sila ang mga ospital na naglilingkod sa mga Districts 1,2,3,4,5 at 6.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa alkalde ay umabot na sa 213,310 ang mga indibidwal na nabenepisyuhan ng libreng swab sa Maynila.



Ang halaga ng RT-PCR tests sa mga private institutions ay nasa P3,800 o higit pa. Isang malaking katipiran ayon kay Lacuna ang free swab tests sa kabisera ng bansa.

“Kahit simpleng ubo o sipon o sore throat, mas maige na ‘yung magpa-checkup kaagad sa mga health centers at ospital,” ayon kay Lacuna.



Nabatid sa alkalde na noong Hunyo ang pinakamataas na kaso ng COVID na naitala ay 19 lamang. Ngayon ay umabot na ito ng 100 .

“Nakakalungkot na tumataas na naman. Napakalaki ng itinaas, ngayon ay 100 na. Kaya kami po ay naikkiusap sa mga taga-Maynila ng mas ibayong pagiingat,” sabi pa ni Lacuna.



Muling nanawagan si Lacuna sa mamamayan ng lungsod at maging sa mga pumupunta ng Maynila na laging gawin ang basic health protocols, tulad ng palagiang pagsusuot ng facemasks , social o appropriate physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay. (ANDI GARCIA)