Advertisers

Advertisers

Rayver iiwan ang online games para sa labs na si Julie Anne

0 319

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MAPANGATAWANAN kaya o hanggang salita lang si Rayver Cruz sa kanyang naging pahayag kamakailan sa programang “All Out Sunday” sa Birthday segment nila ng kapwa niya co-host na si Barbie Forteza.
Ayon kasi kay Rayver na isang open celebrity online game player, willing siyang iwanan ang kanyang paglalaro ng online games para mabigyan niya ng sapat na oras ang girlfriend na si Julie Anne San Jose.
Tsika kasi ng isang online gamer na hindi ganun kadali bumitaw sa paglalaro lalo na nga at malayu-layo na ang nararating sa games na napili. Tulad ng ibang online gamers, pag nasimulan na niyang maglaro ay dedma na halos sa lahat si Rayver.
Hindi niya sinasagot ang kanyang cellphone at tutok lang talaga sa paglalaro kahit ilang oras pa ito abutin.
Kaya nga ganun na lang ang paalaala ng kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz kay Julie Anne.
”Julie, alam mo, kailangan si Ray, bigyan mo ’yan ng time sa online gaming n’ya. Kasi pag nagko-computer ’yan, may sariling mundo ’yan. Kahit tumatawag ako hindi ako pinapansin n’yan. Busy s’ya maglaro,” pagbubuking ni Rodjun.
At bilang tugon naman kay Rodjun at paniniyak sa girlfriend na si Julie Anne ay sinabi ni Rayver na iiwan na niya ang paglalaro.
”Hindi, itatapon ko na ’yon. Itatapon ko na ’yon,” diretsahang sagot ni Rayver.
Ang tanong naman ng followers nina Julie Anne at Rayver, totohanin kaya ng binata ang kanyang sinabi in favor of giving much time sa girlfriend?
***
PARA sa mga nais na tikman ang super sarap na fried bangus ng BANG BANG BANGUS – CUBAO ng baguhang movie producer na si Ms. Teresita Tolentino Pambuan narito ang kanilang new address, 30 Driod Street Cubao Quezon City. At makakaorder din sa kanilang mga cellphone numbers 0968-853-4953 at 0935-770-3228.
***
HINDI na tinago pa ng aktor na si Xian Lim ang kanyang pagiging follower ng magaling na komedyanteng si Anjo Yllana. Kaya super happy si Xian na sa katuparan ng kanyang pangarap na maging isang direktor, ang bidang lalake niya ay ang dating pinapanood niya sa telebisyon at pelikula.
Binigyan ng chance si Xian ng Viva Films na maging direktor sa pelikulang kanilang ipo-prodyus na si Xian din ang may istorya, ang “Hello, Universe” na pagbibidahan ng masasabi ring comeback movie ng tamdem nina Anjo at Janno Gibbs. Magiging leading lady ng dalawa si Sunshine Guimary.
”It’s such an honor to be working with Sir Janno and Sir Anjo kasi sila yung literal na bata pa lang ako, iniidolo ko itong mga ‘to. It’s such an honor to be graced by their presence for them to bring years of experience sa industriya sa material na meron kami,” say ni Xian.
Ang isa pa sa labis na nagpapasaya kay Xian sa pagiging first time direktor niya ay ang total support na ibibigay ng kanyang mga bidang lalake.
”Tuwang-tuwa po ako. We had our meetings and nagsimula kami sa look test a couple of days ago. Nakakatuwa lang kasi alam mo na ibibigay nila lahat sa project. You can really see the passion and the enthusiasm sa mga mata nila. It’s such an honor to be working with Sir Janno and Sir Anjo,” dagdag na say ni Xian.