Advertisers

Advertisers

7-araw na gun ban sa Metro Manila nagsimula na

0 230

Advertisers

NAGSIMULA na ang pagpapatupad ng gun ban sa Metro Manila ng Philippine National Police (PNP) na bahagi ng seguridad sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Lunes, July 25.

Ayon kay MGen. Valeriano De Leon, ang gun ban ay nagsimula 12:01 ng July 22, 2022 na tatagal hanggang July 27, 2022. Kasabay nito, muling ina-active ang Task Force Manila Shield.

Sinabi ni De Leon na mahigpit umanong ipapatupad ang total gun ban at pagsasagawa ng mga checkpoint sa boundary ng Metro Manila partikular na sa Quezon City kung saan magsasagawa ng SONA ang Pangulo sa Batasang Pambansa.



Nagbabala naman si De Leon sa mga mahuhuling lalabag na sasampahan ng kaukulang kaso at pagkansela sa lisensiya.

Nasa 22,000 mga pulis at force multipliers ang ipapakalat sa araw ng SONA upang mapangalagaan ang seguridad at pag-aayos ng mga trapiko sa paligid ng Batasang Pambansa.



Naglabas ng traffic rerouting plan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa mga motorista sa araw ng SONA.

Nanawagan naman si De Leon sa mga organizer na magsasagawa ng protesta na manatili na lang sa mga itinalagang freedom park upang maiwasan ang posibleng komprontasyon sa hanay ng mga kapulisan. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">