Advertisers
ISANG Filipino ang iniulat na infected ng monkeypox sa Singapore, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.
“There is one reported case of a Filipino male in Singapore who has been infected with monkeypox,” pahayag ni DFA spokesperson Teresita Daza sa isang Viber message.
Nabatid mula sa Ministry of Health (MOH) ng Singapore sa isang monkeypox local situation report, ang nasabing kaso ay 31-anyos na Filipino, na nagpositibo sa monkeypox virus noong July 25.
Sinasabi pa sa ulat na nagkaroon ang pasyente ng lagnat noong July 21 bago nagsimulang lumabas ang mga rashes sa mukha at katawan.
“He sought medical care at SGH (Singapore General Hospital) on 24 July and was admitted on the same day. Contact tracing is ongoing,” ayon sa MOH ng Singapore.
Tiniyak naman ng MOH na nasa stable ng kalagayan ang pasyente.
Ito ang pangalawang kaso na ang Filipino ay nagpositibo sa monkeypox.
Nauna rito ay isa ring 31-anyos Pinoy na na dumating sa Pilipinas ang nagpositibo sa nasabing sakit.
Ang unang Filipino na nahawa ng monkeypox ay may history ng paglalakbay sa mga bansang may mga dokumentadong kaso ng monkeypox. (Andi Garcia)