Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki na nang-hack ng social media account para makahingi ng pera sa mga nasa contact list ng biktima sa Camarines Sur.
Nahuli sa entrapment operation ang 21-anyos na manloloko sa Barangay Poblacion, Libmanan, Camarines Sur.
Ayon sa pulisya, isang messenger account ang na-hack ng lalaki at nanghingi ng pera sa mga nasa contact list ng biktima.
Nakipagkasundo ang biktima na magpapadala ng pera sa lalaki sa pamamagitan ng isang money transfer outlet at doon na inabangan ang lalaki para maaresto.
Sinabi ng lalaki sa awtoridad na unang pagkakataon lang daw niya itong ginawa ang modus.
Pero duda ang mga awtoridad dahil may kakayahan ang lalaki na mang-hack ng messenger account.