Advertisers

Advertisers

21 opisyal ng pulisya kinasuhan sa hazing

0 251

Advertisers

SINAMPAHAN na ng kaso ng Police Regional Office-Bicol (PRO5) ang 21 opisyal at tauhan ng 503rd Maneuver Platoon, Regional Mobile Force Battalion-5 na sangkot sa nangyaring hazing na nagresulta ng pagkamatay ni Patrolman Jaypee De Guzman Ramones nitong nakaraan buwan.

Ayon kay Major Malu Calubaquib, PRO-5 spokesperson, ang 21 opisyal at tauhan ng 503rd RMFB-5 ay sinampahan ng paglabag sa Republic Act 11053, amended RA 8049 – Anti-Hazing Act that prohibits hazing and regulating other forms of initiation rites of fraternities, sororities, and other organizations’ sa Masbate Prosecutor’s Office.

Bukod dito, sinampahan din ang mga ito ng ‘grave misconduct’ sa Regional Internal Affair Service.
Ini-relieved ang mga suspek sa kanilang puwesto at nasa kustodiya ng RMFB-5 sa Camp Simeon Ola in Legazpi City, Albay.



Magugunita na binawian ng buhay si Ramores habang nilalapatan ng lunas sa Ticao District Hospital San Jacinto, Masbate noong July 26 dahil sa tinamong mga galos, paso sa dibdib, sugat sa paa at tuhod.

Sa autopsy, lumabas na nasawi ang biktima sanhi ng cardiorespiratory arrest, deep vein thrombosis secondary to pulmonary embolism, multiple physical injuries secondary to blunt trauma. Nguni’t sa report ng 503rd Maneuver Company, nasawi ito sanhi ng cardiorespiratory arrest, urine at blood infection with severe high blood pressure. (Mark Obleada)