Advertisers
NAPAIYAK nalang ang isang babae na bagong kasal nang isoli ito ng lalaki sa kanyang mga magulang isang araw pagkatapos ng kanilang kasal nang matuklasan sa unang pagtatalik nila na hindi na ito virgin.
Ayon sa report, matapos ng kasal ay nag-check-in ang bagong mag-asawa sa isang hotel sa Cotabato City. At sa kanilang unang pagtatalik, na-shock ang mister dahil hindi manlang daw “umaray” at “hindi dumugo” ang ari ng misis kaya hindi siya (mister) naligayahan.
Dahil sa natuklasan, nalungkot ang lalaki dahil hindi na pala virgin ang kanyang pinakasalan.
Sinabi pa ng lalaki na anim na taon silang magkasintahan at hindi manlang niya ito ginalaw dahil pa sila kasal. At pinasalig pa siya ng girlpren na virgin pa ito.
Dahil dito, hinatid ng lalaki ang babae sa mga magulang nito at sinabing gusto na nitong makipaghiwalay sa kanilang anak.
Hindi naman akalain ng babae na kaagad siyang hihiwalayan ng mister dahil sa natuklasang hindi na siya virgin.