Advertisers
NAITALA sa CARAGA region ang pinakabatang nabuntis sa edad na 10 anyos.
Ayon sa ulat, kinumpirma ng Commission on Population (PopCom) Caraga na mayroong kaso ng pinakabatang nabuntis sa rehiyon.
Tinutukoy na dahilan ni Alexander Makinano, Regional Director ng PopCom Caraga, ang kakulangan ng edukasyon tungkol sa pakikipagrelasyon at pakikipagtalik.
Habang isinusulat ito, wala pang detalye kung ano ang kalagayan ngayon ng batang babae.
Samantala, hinihikayat ng mga opisyal ng Caraga ang mga magulang na tutukan at gabayan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.