Advertisers

Advertisers

Ren-Ren de sarapen!

0 345

Advertisers

Marahil ito ang nursey rhyme na kinakanta ng mga anak ni RenRen Ritualo ngayon. Siguro pati ng mga bata na naturuan niya ng basketball sa kanyang mga cage clinic. Natutuwa sila sa pagkatalaga sa junior ni dating PBA player na si Florendo Ritualo ng CFC-Presto.

Mangyari ay sasarap ang buhay ng mga Greenies at iba pang mga estudyante ng De La Salle Greenhills dahil siya na ang bagong coach ng kanilang koponan sa NCAA.

Unang sumikat si RenRen sa San Beda Red Cubs, tapos sa DLSU Green Archers hanggang sa nakapanhik siya sa PBL at PBA. Tanduay at Welcoat siya noon sa premier na amateur na torneo



8th over-all pick naman siya ng FedEx noong 2002 at naging Rookie of the Year pa.. Nagdribol din siya para sa TNT, Powerade, Meralco at Alaska.

Minsan na rin sa naging kasapi ng Team RP.

Monicker niya ang the Rainman kasi nagpapaulan siya ng puntos kapag nasa loob siya ng hardcourt kaya asar sa kanya ang mga tagahanga ng mga katunggali.

Naging assistant coach siya sa Mahindra sa pro league at sa Adamson sa UAAP. Sandali rin siyang naging bahagi ng radio panel ng liga nina Jawo, Alvin at Fajardo.

Kaya sapat na karanasan niya at swak na swak siya sa kanyang puwesto ngayon. “ Dream ko talaga to serve my school,” wika ng nagsuot ng #4 at #14 ng La Salle.Kasal siya kay Margaux Dizon at may dalawa silang supling.



Eka nga ng awit… Sipit namimilipit, ginto’t pilak, namumulaklak sa tabi ng dagat. Panahon na niya ngayon matapos ang maraming pinagdaanang hirap at pagsasanay.

***

Papuri para kay Yuri. Yan naman ang sigaw ng mga nasisisyahan sa pagkakatalaga kay Yuri Escueta bilang head coach ng San Beda. Dalawang taon kasing Letran na naghahari sa NCAA kaya binalasa ang coaching staff ng Red Lions. Iniakyat si Boyet Fernandez bilang consultant at napili si Yuri na head tactician. Isa sa assistant si Escueta ni Tab Baldwin sa Ateneo at nagsilbi rin siya sa iba’t ibang capacity sa Big Boss nilang si Manny V. Pangilinan na may pinakamalaking say sa Bedan basketball program.

***

Bola para kay Bal. Si Bal David pa ang isang hinog na upang umupo sa bench ng kanilang pinagmulang mga eskwelahan. Siya naman ang napusuan ng mga paring Diminicano upang ibalik ang glory days ng Growling Tigers. Miyembro si Bal David ng 4-peat ng UST sa panahon ni Coach Aric del Rosario. Siyempre lalo siyang naging bantog sa Ginebra kung saan nagkakorona rin ang koponan niya. Nagsasagawa si David ng mga coaching clinic bago ang pandemya at tahimik na tumutulong sa kanyang alma mater. Ngayon nasa kamay na niya kung madadala niya sa tagumpay ang USTe gaya ng Gin Kings.