Advertisers
PUNO ng aksiyon ang matutunghayan sa gaganaping Davao Del Sur Swim Festival sa buwan ng Agosto sa Matti, Digos City, Davao del Sur.
Inorganisa ng FINIS Philippines, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Davao del Sur sa pamumuno ni Gov. Yvonne Rona-Cagas, sisimulan ang Swim Festival sa gaganaping Mindanao leg ng FINIS Short Course Swim Championship sa Agosto 6-7 sa Davao del Sur Olympic Size Pool sa loob ng bagong tatag na Gov. Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa Matti, Digos City, Davao del Sur.
“FINIS is offering the best program for homegrown talents. Focus kasi namin na mabigyan ng chance ang mga regular swimmers to compete in a global-type of environment. Dito para silang sumnali sa event na pang-international, from medals, equipment and technical people we based it to an international organized event,” pahayag ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.
Iginiit ni Garcia na layunin ng FINIS na makatulong sa grassroots sports program at sa mahabang panahon ng kanyang pagkakasangot sa local swimming, tinika niyang napakaraming talent na naghihintay lamang ng pagkakataon para mas mapataas ang level ng talent at mapabilang sa National Team.
“Kami sa FINIS, tumutulong na makagawa ng programa sa grassroots, sa dami ng magagaling sa Pilipinas, we’re hoping na ang NSA’s ay makatulong sa homegrown talents para sila ang mailaban sa competition abroad,” pahayag ni Garcia. (Danny Simon)