Advertisers

Advertisers

Marinero wagi vs CEU sa PBA D-League

0 191

Advertisers

NAGSANIB puwersa sina Juan de Liano at Jollo Go upang buhatin ang Marinerong Pilipino sa 2022 PBA D -League Aspirants Cup semifinals sa pamamagitan ng pagtulak sa Centro Escolar palabas ng pinto, 75- 66 Biyernes sa Amart Araneta Colesium.

Ang dalawa ay mahalaga para sa Skippers na maputol ang kanilang two-game losing skid at ikasa ang petsa laban sa top seed Apex Fuel-San Sebastian.

Umiskor si Gomez de Liano ng 17 points, eight assists, at seven rebounds. Habang si Go ay nagpasabog ng 3 three-pointers para sa 17 points, at two rebounds.



Arvin Gamboa nagdagdag ng 13 points,eight rebounds, three assists, at two steals, at ang kanyang three-point conversion sa 3;03 nalalabi ang nagbigay sa Marinerong Pilipino ng 12-point lead, 68-56.

Adrian Nocom nagrehistro ng double-double 12 points at 10 rebounds at six dimes para sa Marinero, na papasok sa kanilang ika-limang semifinals appearance simula noong 2017 Foundation Cup.

“Nagkaroon talaga kami ng problema noong hindi healthy ‘yung players pero masaya kami na kumpleto kami,” Wika ni head coach Yong Garcia. “Ang importante, naipakita naming maganda ang itatakbo ng team.”

Sa panig ng CEU, Jhomel Ancheta umiskor ng 12 points habang si Lenard Santiago nagtala ng double-double na 11 points at 11 rebounds.

Ang Iskor:
Marinerong Pilipino 75 — Gomez de Liano 17, Go 17, Gamboa 13, Nocum 12, Bonifacio 6, Soberano 3, Hernandez 3, Pido 2, Carino 2, Manlangit 0.
CEU 66 — Ancheta 12, Santiago 11, Santos 10, Penano 10, Diaz 9, Balogun 6, Tolentino 4, Ferrer 2, Borromeo 2, Bernabe 0, Cabotaje 0,

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">