Advertisers

Advertisers

Solusyunan sa delay na car plate: LTO kukuha ng dagdag na machine plate

0 260

Advertisers

PARA masolusyunan ang problema ng delay ng plaka ng mga sasakyan ng Land Transportation Office (LTO) kukuha ang ahensya ng isa pang machine plate na karagdagang makina na gagawa ng mga plaka ng sasakyan upang masolusyonan ang backlog at delay ng mga plaka ng sasakyan.

Sinabi kanina ng newly appointed Land Transportation Office (LTO) Chief Atty. Teofilo Guadiz lll na masosolusyunan ang backlog ng paglalabas ng mga plaka ng sasakyan kung magdadagdag ng isa pang makina na karagdagan sa gumagawa ng plaka ng mga sasakyan.

Nabatid kay Guadiz sa interbyu ng media na sa kasalukuyan isa lamang ang makina na siyang gumagawa ng mga plaka ng sasakyan na siyang nagiging dahilan umano kung bakit na de-delay ang paglalabas ng mga plaka ng nakarehistrong sasakyan.



“Ang isa sa nakikita namin solusyon dito ang pagkuha ng isa pang machine plate para masolusyon ang mga backlog ng plate” ayon kay Guadiz lll.

Naunang nang pinuna ng ilang grupo ang umano’y matagal na pagkaantala ng paglabas ng mga plaka ng sasakyan mula sa Land Transportation Office (LTO).



Subali’t sinabi ni Guadiz lll na ginagawa ng LTO ang lahat upang maibigay na sa mga may-ari ng sasakyan ang kanilang plaka ng sasakyan na nairehistro na sa ahensya.

Samantala, kaugnay nito ikinadismaya rin ni Guadiz ang umano’y matagal na pag-iisyu ng mga renewal drivers license na kung dati ay inaabot lamang ng 2 oras subalit ngayon ay halos umaabot ng isang linggo bago lumabas ang renewal ng drivers license.



Sinabi pa ng LTO chief dahil sa mga delay ng pag-iisyu ng renewal ng drivers license ang LTO ang nasisisi ng publiko dagdag pa nito.

Kaugnay nito sinabi ng ng LTO chief na pinag-aaralan sa kasalukuyan ng ahensya na paiksiin ang seminar ng mga driving school dahil na rin sa mga reklamo na kanilang natatanggap subalit sinabi nito na hindi aalisin ang driving seminar.(Boy Celario)