Advertisers
TIKLO ang isang pulis na suma-sideline sa pagtutulak ng shabu at ang kasabwat nito nang kumagat sa buy-bust operation sa lungsod ng Caloocan nitong Huwebes.
Kinilala ang mga nadakip na sina Police Corporal Mark Jefferson Lopez, 30 anyos, ng PNR Compound, Samson Road, Caloocan City; at John Raster Jaie Muñoz, 24, mekaniko, ng Bagong Silang Caloocan City.
Sa ulat, 5:00 ng hapon (August 4) nang isagawa ang drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Northern Police District (NPD) sa harap ng Puregold Zabarte sa Zabarte road corner Camarin road, Barangay 172, Caloocan City.
Nakumpiska kay Lopez ang PNP service firearm na Glock 17, 1 pistol magazine, 19 bala ng 9mm, PNP Identification Card at 2 mobile phones; habang nakuhanan si Muñoz ng isang caliber .45, magazine na may pitong bala, cellular phone, 3 transparent sachet na naglalaman ng 500 gramong shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 at buy-bust money.
Samantala, agad sinibak sa tungkulin at pinadis-armahan ni NPD Director Brigadier General Ulysses Cruz ang sub station 13 commander, assistant commander, shift supervisor at grupo ni Lopez.
Pinadis-armahan at isinailalaim sa camp restriction ang mga ito habang isinasagwang imbestigasyon.
Sa imbestigasyon, natuklasan na sangkot sa mga iligal na gawain si Lopez. (Mark Obleada)