Advertisers

Advertisers

Klase at trabaho sa NCR, 6 pang lugar sinuspinde ni PBBM dahil kay ‘Florita’

0 202

Advertisers

SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang klase at trabaho nitong Martes hanggang ngayong araw ng Miyerkules dahil sa bagyong Florita.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang deklarasyon ng suspensyon ay para sa government offices at sa lahat ng antas ng paaralan sa mga lugar ng National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan.

Ayon pa kay Angeles na base sa abiso ng Office of Civil Defense (OCD), makakaranas ng matinding pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ngayong araw hanggang bukas kaya inaprubahan ng Pangulo ang deklarasyon na suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno.



Inirerekomenda naman ng Malakanyang sa mga private schools at pribadong opisina ang pagdedeklara rin ng suspensyon. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">