Advertisers

Advertisers

SENADOR MARCOS PINAIIMBESTIGAHAN SA PNP ANG SERYE NG PAGKAWALA NG ILANG INDIBIDWAL

0 251

Advertisers

UMAPELA si Senadora Imee Marcos na imbestigahan ang serye ng pagkawala ng ilang indibidwal, lalo na ang mga kababaihan at kabataan sa nakalipas na mga linggo.

Hiniling ni Marcos sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na agarang imbestigahan at patawan ng parusa ang sinumang salarin sa pagkawala ng mga indibidwal, lalo na ang mga kabataang babae na ginahasa na brutal pang pinatay at dapat umanong wala silang sasantuhin.

Ginawa ni Marcos ang kahilingan sa pamunuan ng PNP at NBI matapos mawala, matagpuang patay at ginahasa pa ang 15-anyos na dalagita sa Bustos, Bulacan kamakailan.



Sinabi pa ni Marcos na dapat kumilos ang mga pulis at iba pang law enforcement agencies upang matigil ang sunod-sunod na pagdukot at pagpatay sa ilang lugar.

Ikinababahala ng mga magulang ang nasabing mga insidente lalo pa’t balik-eskwela na ang may 28 milyong mag-aaral sa buong bansa.



“Dahil sa pangamba ng mga magulang, dapat mapi-gilan ng mga awtoridad ang serye ng pagdukot at pagpatay, lalo na ngayong nagbalik-eskwela na ang mga anak nila,” dagdag pa ni Marcos. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">