Advertisers
UMARANGKADA na ang pagbenta ng P70 kada kilong puting asukal ng ilang malalaking supermarket chain nitong Lunes.
Sa Robinsons Supermarket, sinimulan na ang bentahan ng P70 kada kilong refined sugar.
Subalit 1 kilo lang ang puwedeng bilhin ng kada kostumer dahil limitado lang ang supply na ikakalat pa sa iba’t ibang sangay ng Robinsons sa Luzon.
Nagtitinda na rin ang SM Supermarkets at SM Hypermarkets ng P70 kada kilong premium washed sugar na Bonus brand.
Magbebenta na rin umano ang Puregold ng P70 washed sugar sa mga susunod na araw.
Nauna nang inanunsiyo ng Malakanyang noong Biyernes na pumayag ang 3 supermarket chain na ibaba ang presyo ng asukal mula sa higit P100.
Subalit umalma ang Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc., isang grupo ng maliliit na supermarkets, dahil hindi sila isinali sa programa.
“It becomes unfair when we heard that Malacañang approached millers and traders to give these 3 a special deal where they can sell at P70,” ayon kay Steven Cua, pangulo ng grupo.