Advertisers

Advertisers

Regional Most Wanted sa Calabarzon timbog sa Batangas

0 599

Advertisers

SUGATAN ang itinuturong lider ng “Eleazar Rocio” gun-for-hire criminal group at tinaguriang ‘Number 1 Regional Most Wanted’ sa Calabarzon Region 4A, kasama ang kanyang body guard nang makipagpalitan ng putok ng baril at masakote ng mga operatiba na nagsilbi ng Warrant of Arrest sa mga ito Martes ng hapon sa Purok 1, Barangay San Roque, Rosario, Batangas.

Kinilala ang nadakip na si Eleazar Rocio alyas “Isat” na kilala rin sa “Andi Guerra”, nasa hustong gulang at isang negosyante; at si Leandro Guerra alyas “Andy”, personal body guard ni Rocio at parehong residente ng Ibaan.

Sa report ng Batangas Provincial Police Office (BPPO), dinakip si Rocio sa bisa ng Arrest Warrant para sa kasong Murder mula sa sala ni Judge Rose Marie Manalang-Austria ng RTC-Branch 87, Rosario, Batangas.



Nanlaban si Rocio kaya nasugatan, at inaresto rin si Guerra dahil sa paglaban nito sa mga operatiba, kungsaan nagtangka tumakas ang mga ito sakay ng metallic brown Montero Sport(NDU 2371) pero nakorner sila ng mga pulis.

Dinala sa NL Villa Hospital sa Lipa City si Rocio para gamutin, habang sa Batangas Provincial Police Office ikinulong si Guerra. – JOSE KOI LAURA

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">