Advertisers
Patay ang apat na tao sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Tagum City, Davao del Norte.
Nasawi ang 88 anyos na si Pablo Calamba nang sumiklab ang sunog sa pamamahay nito sa Brgy. La Filipina Huwebes ng gabi.
Na-trap umano ang biktima sa kwarto nito habang nasusunog ang bahay.
Patay naman sina Arsenia Tumando, Valeriano Tumando, at isang nakilala lamang na Salva nang masunog ang kanilang bahay noong Biyernes ng madaling araw sa Brgy. Apokon.
Hindi na umano nakalabas ang mga biktima nang ma-trap sa sunog.
Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng dalawang sunog.
Namahagi ng tulong na pagkain at mga gamit ang Davao del Norte Provincial Social Welfare and Development sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.
Nakatanggap din sila ng tulong-pinansyal, pati na burial at emergency shelter assistance.