Advertisers
Sugatan ang apat katao, kabilang ang dalawang menor de edad, nang mahulog sa bangin ang sasakyan sa Kibungan, Benguet, nitong Sabado ng tanghali.
Kabilang sa mga nasugatan sina Filmore Esong, Sr., 41; Bernadette Esong, 39 anyos; at dalawang menor de edad.
Sa report, papunta sana sa La Trinidad, Benguet ang sasakyan nang nawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver na si Esong kaya dumiretso ito sa 250 metrong lalim na bangin sa Sitio Abubuyan, Brgy. Poblacion.
Kaagad namang isinugod sa Benguet General Hospital ang apat na nasugatan.
Nanawagan naman ang pulisya na siguraduhing nasa kondisyon ang sasakyan bago isabak sa lansangan upang maiwasan ang aksidente.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.