Advertisers

Advertisers

5 opisyal ng barangay huli sa ‘vote buying’

0 397

Advertisers

DINAKIP ng mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 at ng Zamboanga Del Sur Provincial Force Unit (CIDG-PFU), Zamboanga Provincial Police Offie (PPO) at ang Dumingag Municipal Police Station na naghain ng Warrant of Arrest sa isang incumbent na barangay chairman at apat na iba pang opisyal ng barangay na sangkot ‘di umano sa “vote buying” noong nakaraang May 2022 National at Local Election sa Barangay Dulop sa bayan ng Dumingag nuon araw ng Huwebes (August 25, 2022).


Kinilala ang mga inatesto na sina Barangay Chairman Ismael Espano, 71; Evelyn Amamangpang, 36, Barangay Treasurer; Ronald Amamangpang, 40, Barangay Kagawad; Edgar Sarajena, 46, Barangay Kagawad; Juliana Maputi, 41, na isa ring Barangay Kagawad.




 

Base sa ipinadalang report ng CIDG Region 9 sa opisina ni CIDG Director P/Brigadier General Ronald Oliver Lee, inaresto ang limang mga barangay officials sa bisa ng isang Arrest Warrant na inisyu ni Honorable Jumilie Gelbolingo-Guanco ang Acting Presiding Judge Regional Trial Court ng 9th Judicial Region, Branch 23 ng Zamboanga Del Sur para sa kasong may kinalaman sa Violation of Omnibus Election Code as ammended in relation to Sec. 261 (A) at Sec. 261 (O).



 

Pansamantalang nakakulong na ngayon sa Zamboanga Del Sur CIDG-PFU Holding Cell ang mga suspek bago sila iharap sa korte.(KOI LAURA)