Advertisers

Advertisers

Crackdown vs mga hindi rehistradong sasakyan – PNP

0 239

Advertisers

INATASAN ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin ang Highway Patrol Group (HPG) na paigtingin ang kanilang crackdown sa mga hindi rehistradong mga sasakyan.

Kabilang na rito ang mga walang plate numbers maging ang mga sasakyang mayroon lamang improvised plates.

Ang direktiba ay alinsunod sa kampanya laban sa kriminalidad at traffic violation sa gitna ng kaliwa’t kanang mga report na mayroon umanong isang puting van ang ginagamit ng mga masasamang loob para sa kanilang kidnapping.



Bagama’t ang nasabing report ay sinabi na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang katotohanan matapos maberipika nang aminin ng di umano’y biktima na gawa-gawa lang ang istorya na tinangka umano siya dukutin ng tatlong armadong kalalakihan sakay sa isang puting van sa Caloocan City.

Sinabi ni Azurin na upang maging epektibo ang kampanya kontra sa carnapping, kinakailangan ang pakikipagtulungan at koordinasyon sa Land Transportation Office (LTO).



Nanawagan naman si Azurin sa publiko na agad na ipagbigay-alam sa mga otoridad kung mayroong napapasin na kahina-hinalang sasakyang umiikot sa kanilang lugar upang agad na maaksyunan ito ng mga otoridad.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Azurin ang publiko na maging maingat at responsable sa pag-post o pag-share sa mga social media.



Aniya, dapat umanong maberipika muna ang mga impormasyon upang maiwasang magdulot ng takot, pagkalito at kaguluhan.

Nagbabala naman si Azurin sa mga patuloy na nagpapakalat ng mga fake news na maaring ito ay maharap sa mga kaso.

Sinabi ni Azurin na patuloy ang pag-monitor at imbestigasyon sa mga nagpapakalat ng fake news. (Mark Obleada)