Advertisers

Advertisers

Andrea 32 na, feel na magkaanak; Carlo may malisya kay Julia

0 333

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MATAGAL-tagal na ring loveless ang Kapuso actress na si Andrea Torres. Ang huling karelasyon niya ay ang Kapuso actor na si Derek Ramsay na ngayon ay happily married na kay Ellen Adarna. Aminado ang aktres na sa tuwing may problema siya sa puso ay sa kanyang showbiz career siya tumututok para makapag-move on at gayundin naman na siya ang breadwinner ng kanyang pamilya.
Nitong mga huling araw ay napansin daw ni Andrea na tila napag-iiwanan na siya ng kanyang mga kapanabayan at kaedaran sa showbiz na may mga sariling pamilya na ngayon.
Hindi raw niya napansin na lumilipas ang mga taon at ngayon ay 32 years old na ang kanyang byuti. Kaya nasabi na raw ni Andrea na handa na siyang mag-asawa sakaling mainlab na muli siya.
Feel na kasi ni Andrea na magkaroon ng anak para masabayan pa niya ito sa paglaki at hindi maging isang menopause baby.
“Kasi siyempre nasa age ka na rin na iisipin mo na ‘Naku, may time pa ba akong magkaroon ng maraming anak?’ So
hopefully, maka-atleast dalawa man lang. Kayanin pa.
Pero dapat sa right person ang magiging ama ng aking magiging anak,” pahayag ni Andrea.
Tila ang pokus ni Andrea ay magka-baby sa tamang taong mamahalin at pakakasalan.
***
SUPER excited si Carlo Aquino nang alukin siyang maging leading man ni Julia Barretto para sa pelikulang “Expensive Candy”, showing in cinemas nationwide starting September 14.
Bukod kasi sa nagustuhan ni Carlo yung istorya ay first time rin niyang makakatrabaho si Julia bilang leading lady. Kaya nga ba kahit ngaragan na rin siya sa isa pa nyang movie with Lovi Poe, ang “Seasons” ay hindi niya tinanggihan ang offer na movie nila ni Julia.
Dati pareho silang Kapamilya actor kaya nagkukrus ang landas nilang dalawa pero bata pa noon si Julia kaya hindi iniexpect ni Carlo na darating pala ang panahon na magiging partner niya sa isang project si Julia.
“Noong una ko siyang makilala, si Juju ang tawag sa kanya kasi nga bata pa lang siya. Who knows na darating ang panahon na magiging magkapareha pala kami. So in the movie, I have to look at her in a different light,” say ni Carlo.
May pagka-sexy ang tema ang “Expensive Candy” kaya expected din na mayroon silang sexy scene na dalawa. Sa movie kasi ay isang high school teacher na wala pang karanasan makipagsex ang role ni Carlo. At dahil madalas makantyawan ng kanyang mga estudyante ay naisipan ni Carlo na pumunta sa mga night clubs para kumuha ng serbisyo ng isang babaeng bayaran. It is there that he meets Julia as Candy, a beautiful and sultry streetwalker who would changed his life after he hires her and goes to bed with her.
So, paano naman kaya ang ginawang atake ni Carlo sa sexy scene nila ni Julia?
“Sabi ng director naming si JP Laxamana, dapat, ang tingin ko sa kanya, yung may desire, may malisya, ganun,” dagdag pang say ni Carlo.