Advertisers

Advertisers

KC ‘wag na i-body shaming ng bashers

0 298

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

“WALANG sinumang babae na gustong lumapad at lahat ay nangangarap na maging maganda ang larawan.” Pagtatanggol ng online show host na si Cristy Fermin.
Naawa si Cristy at kasamaan sa show kapag naba-body shame si KC Concepcion.
Hindi rin nga nakaligtas ang anak ni Sharon Cuneta sa mga nangba-bash sa kanya.
Kaya naman pinakiusapan ni Cristy at kasama sa online show na huwag na raw i-bash ang anak nina Gabby Concepción at Sharon.
Bigla rin nila naalala si Angel Locsin na suki at hindi nakaligtas sa body shaming.
Tsika pa ng online show host na may big bone si KC na mana sa ina kaya ganun din siya na lumalapad.
Pahayag pa ng co-host ni Cristy sa kanilang online show na na-diagnosed si KC ng PCOS o Polycystic Ovary Syndrome.
Feeling ng netizens na tila nakahanap ng kakampi si KC mula sa show host ng online.
***
Ellen may takot na magalusan o magasgasan
SA isang panayam ay ibinuking ni Ellen Adarna ang pagiging OC ng mister na si Derek Ramsay or Obssesive Compulsive.
Sa bahay nina Derek at Ellen inamin ng dating sexy actress na mahilig mag-aayos ng gamit ang aktor sa loob ng kanilang bahay.
Hinahayaan na lang ni Ellen kung ano ang inayos ng mister ay permanent na ‘yun.
Kaya naman sa pag-amin ng aktres bibihira niya ipagluto ng pagkain ang mister.
May takot si Ellen sa OC na mister at ilag itong magalusan o magasgasan ang kahit na anong gamit sa kusina.
Kaya hinayaan na lang nito na yaya ang magluto sa kusina.
Sa ngayon ay tutok ang couple sa kanilang negosyo.
Well, well, well… ‘Yun na!