Advertisers

Advertisers

BALIK E-SABONG WALA PANG KATIYAKAN

0 207

Advertisers

WALA pang desisyon hanggang sa ngayon ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) kung papayagan nito na magpatuloy ang operasyon ng e-sabong o hindi.

Sa isinagawang deliberasyon ng House Committee on Appropriations nitong Martes, sinabi ni Pagcor chairperson at CEO Alejandro Tengco na siya ay nakatatanggap din ng mga tanong kaugnay ng e-sabong.

Binigyang-diin ni Tengco na hindi lamang sila ang magdi-desisyon dito kundi si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.



Ipinunto rin ng ilang mambabatas sa budget deliberation ng PAGCOR ang kontrobersiya na nasa likod ng e-sabong kung saan hanggang sa ngayon hindi pa nareresolba ang misteryo sa pagkawala ng mga sabungero.

Maging ang mga pulis ay hirap sa pag-iimbestiga sa pagkawala ng mga sabungero.

Dahil sa kontrobersiya, sinuspinde ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong.

Samantala, kinumpirma ng PAGCOR na kalahati sa mga Philippine offshore gaming operators (POGOs) ang lumisan na sa bansa dahil sa mataas na buwis na kanilang ibinabayad sa gobyerno na batay sa Republic Act No. 11590.

Sinabi ito ni Tengco sa isinagawang pagdinig ng House of Representatives’ committee on appropriations hinggil sa Pagcor’s revenues.

Inamin ni Tengco nang tumaas ang buwis na ipinataw ng gobyerno sa POGO hindi na tumaas ang kanilang kita.



Ayon kay Tengco, mula sa 60 licensed operators, sa ngayon mayroon na lamang 30 ang nasa bansa kung saan 27 dito ang nananatiling active habang ang tatlo ay hindi na operational.

Inihayag naman ni Juanito Sanosa Jr, PAGCOR President and Chief Operating Officer na ang dahilan sa paglisan ng mga legitimate POGO company sa bansa ay dahil sa mataas na gaming tax.

Batay sa report, ang mga umalis na POGO company sa Pilipinas ay lumipat sa bansang Cambodia at Dubai.

Makikipag-ugnayan din ang PAGCOR sa NBI at PNP hinggil sa pagtugis sa mga illegal operators ng POGO.

Sa kabilang dako, sa unang bahagi ng taon, ang PAGCOR ay nakapagtala ng 68.11 percent growth sa kanilang revenue collection, tumaas ito sa P26.7 billion laban P15.88 billion sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Tumaas din ang net income after tax sa P2.15 billion kumpara sa P79.07-million income sa unang first semester noong nakaraang taon.

Nitong June 2022, ang income ng PAGCOR ay lumagpas sa 9 percent of its P24.41 billion target.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More