Advertisers

Advertisers

Kathryn kinabiliban sa akting ng beteranong aktor

0 248

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ITINURING ni Ronaldo Valdez na second home at family na niya ang “2 Good 2 Be True” cast na pinagbibidahan nina Kathyrn Bernardo at Daniel Padilla.
Ang 74 years old at veteran actor na si Ronaldo ay thankful at sa edad niya ay rumaraket pa.
Kinabiliban pa nito nanang huhusay ng mga kasama sa serye.
Nagalingan nang bonggang bongga ang 5 decades na rin sa industriyang aktor.
As in, kinabiliban nito sa husay sa pag arte sa nasabing serye at masarap nga raw katrabaho.
Kaya di n nagtaka ang beteranong aktor kung bakit marami itong followers.
Sa pag-amin ng tatay ni Janno Gibbs na kahit siya ay kinikilig sa tambalang KathNiel.
***
Karla, Toni, Mariel pantapat kina Regine, Jolina at Melai
NAISPATAN kamakailan na magkakasama na nag-dinner sina Toni Gonzaga, Karla Estrada at Mariel Rodriguez.
Agad itong ipinost nina Mariel at Toni na may caption pa na Ladies Night.
Napaisip tuloy ang netizens na tuloy na kaya ang pagsasama ng tatlo sa isang morning show?
May bulung bulungan sa showbizworld na tila magkakaroon ng morning show ang tatlo sa AMBS or Advanced Media Broadcasting System na pag-aari ni Manny Villar na ama ni Mark Villar na kaibigan ng hubby ni Toni na si Paul Soriano.
Ipangtatapat daw ang tatlo sa Magandang Buhay na dating pinanggalingan ni Karla.
Pare-pareho namang may experience sa hosting ang tatlo kaya pupuwede.
May mga suhestyon pa nga ng title ng morning show ng tatlo na KaToMa or Karla, Toni at Mariel.
Samantala, nagtataka ang netizens kung bakit di na si Bianca Gonzales ang kasa-kasama nina Toni at Mariel at si Karla na ngayon.
Well, well, well…’Yun na!