Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG newbie sexy actress na si Alona Navarro ay palaban sa mga sexy at daring roles. Ang dalaga ay isa sa maraming talents ng kilalang manager na si Jojo Veloso.
Unang nagsabog ng alindog si Alona sa mga pampainit na pelikula ng Vivamax like Sitio Diablo at Purificacion.
Kuwento sa amin ng hot na hot na aktres nang makahuntahan namin sa FB, “Yes po, nagpasilip na ako sa Sitio Diablo at Purification, pero mas wild po ang mapapanood sa akin sa Alapaap. Iyong movie ay mapapanood na ngayong September.
“So, abangan nyo lang po kung gaano ako ka-sexy sa movie na Alapaap.”
Inusisa pa namin ang sexy newcomer hinggil sa pelikula nilang Alapaap. Tiniyak ng aktres na ibang klaseng alindog ang ipatitikim niya rito sa mga manonood.
Wika ni Alona, “Si Direk Brillante Mendoza po ang direktor at ang casts nito ay sina Kath Dovey, Josef Elizalde at iba pa.
“Anong klaseng movie ito?” Ulit niya sa aming tanong. “Ito pong Alapaap ay isang sexy-horror movie. Ito po ay isang kakaibang horror-movie na dapat pong abangan.”
Pahabol pa ng aktres, “Ang role ko po sa movie, ako’y GF po ni Jaggy, na isa sa mga kaibigan ni Josef Elizalde sa pelikula.”
Ano ang limitations niya sa paghuhubad sa pelikula?
“Actually, wala naman po as long as komportable ang magiging kasama ko sa movie.
Ibig sabihin ay kaya niyang ipakita ang lahat? “Yes po, game akong ipakita ang lahat, as long as kailangan talaga sa istorya ng pelikula,” nakangiting pahayag pa ni Alona.
Base sa mga sagot ng baguhang sexy actress na ito, palaban talaga siya sa hubaran at maseselang eksena.
Ang hottie na tulad niya ay nakapagbibigay ng kakaibang init sa mga barako. Sa malupet na pormang ito ni Alona, tiyak na maraming mahihilig na barako ang naglaway sa kanyang kabuuan.
Kaya tiyak na maraming mag-aabang kay Alona sa Vivamax, upang mabistahan at masilip nang husto ang nakapaglalaway na kaseksihan ng aktres.