Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
ANO ang nararamda man ni Lianne Valentin sa pagtatapos sa ere ng Apoy Sa Langit ngayong Sabado, September 3?
Ano ang nais niyang magmarka sa audience tungkol sa kanilang drama series?
“Siyempre nalulungkot din po kami, ako personally, na patapos na, last week na lang yung Apoy Sa Langit.
“Actually nung lumabas yung poster nalungkot talaga ako, na parang grabe ang bilis lang!
“And at the same time very grateful ako sa journey ng Apoy Sa Langit kasi kahit ako, kahit alam ko na kung ano yung mangyayari sumusubaybay pa rin talaga ako sa stream… very ano talaga ako, hooked din ako sa story.
“So ang masasabi ko lang sa mga viewers na sumubaybay sa Apoy Sa Langit, makikita naman e, na yung every character may kanya-kanyang journey nga na tinatahak.
“Na for example, si Mama Gemma, it’s about grief and loss ng asawa niya.
“Kay Stella finding, you know, comfort.
“I mean makikita mo yung importance talaga ng characters and journey nila and I know na sa dami ng nanonood ng Apoy Sa Langit alam ko na kahit isa sa mga tao na nanonood is may ganun ding pinagdadaanan or nakaka-relate din dun sa istorya ng Apoy Sa Langit.
“So ang siyempre ang gusto naming maiwan sa kanila is of course, na at the end of the day or sa pag-end ng show is talagang ma-encourage sila and ma-enlighten and magkaroon sila ng lakas ng loob, di ba, yun nga, sa lahat ng mga naabuso and you know, victim ng ganitong klaseng, alam mo yun, pagmamahal ay ma-enlighten talaga and ma-encourage sila na hindi pa huli and kaya nila ‘to, kaya nilang labanan yung ganito and they can kumbaga love yung sarili nila, self-love talaga, and empowerment.”
Bukod kina Lianne at Zoren ay nasa cast din ng Apoy Sa Langit sina Ismael as Lucy at Mio Maranan bilang si Toto. Kasama pa sina Maricel Laxa bilang si Gemma, Mikee Quintos bilang si Ning, Mariz Ricketts bilang si Blessie, Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong, Dave Bornea bilang si Tony, Coleen Paz bilang si Patring, Celine Fajardo as Iyah.
Ang Apoy Sa Langit ay sa direksyon ni Laurice Guillen.
Hanggang sa pagtatapos ay patuloy na namamayagpag sa ratings ang nabanggit na Kapuso drama series na sa ngayon ay Number 1 Afternoon Drama Series sa taong ito.
Ito rin ang most viewed drama program sa Youtube at phenomenal ang performance ng TV ratings ng naturang serye.
***
DALAWANG Sabado na mapapanood ang espesyal at bagong episode ng Magpakailanman ngayong September 3 at 10.
Pinamagatang A Child’s Trauma and A Mother’s Triumph.
Ito ay pagbibidahan ni Rhian Ramos bilang si Pia, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.
Sa panulat ni Benson Logronio at pananaliksik ni Karen Lustica, makakasama ni Rhian sa naturang episode sina Ian Ignacio bilang Santi, Bing Pimentel bilang Henrietta, Al Tantay bilang Raul, Thia Thomalla bilang Anna, Kirst Viray bilang Tony, Orlando Sol bilang Peter, Melissa Avelino bilang Yollie at Jacob Tountas bilang Philip.
Sa maselang kuwento na ito, limang taong gulang pa lamang si Pia ay ilang ulit na siyang pinagsasamantalahan ng kanilang family driver. Nguni’t dahil sa takot ay wala siyang sinumang pinagsabihan ng impiyernong kanyang dinaranas. Ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pag-aaral subalit naulit ang kanyang bangungot dahil ang bayaw naman niya ang nagsamantala sa kanya.
Nang malaman ng kanyang pamilya ang nangyari, lumipad sila patungong Amerika upang magsimula ng bagong buhay.
Doon ay nakilala at nagpakasal si Pia kay Santi.
Pero mababago na nga ba ang kanyang buhay?
Abangan ngayong Sabado, 8:15 pm sa GMA.