Advertisers
ARESTADO ang 22 sabungero nang mahuli sa akto na nagsasagawa ng iligal na “tupada” (sabong ng manok) sa Tondo, Maynila.
Kinumpiska ng mga awtoridad ang kanilang mga manok na panabong, mga tari, at pusta na mahigit P19,000.
Dinala ang mga naaresto sa Detective Special Operations Unit ng Manila Police District.
Samantala, sa San Jose Del Monte, Bulacan , inaresto rin ang anim na lalaki sa tupada. Nakumpiska sa kanila ang dalawang manok na panabong at pustang aabot sa P1,100.