Advertisers

Advertisers

Marijuana plantation sinunog, cultivator timbog

0 163

Advertisers

HINDI bababa sa 2,000 tangkay ng fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P800,000 ang nabunot mula sa hinterland sitio ng Hikapon, Barangay General Climaco sa Toledo City.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Epream Paguyod, force commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Cebu Police Provincial Office, ang naarestong magsasaka at marijuana cultivator na si Christopher Cañaliso, 38, habang ang kinakasamang si Felix Labaso ay nananatiling nakalaya nang makatakas sa pagkakaaresto.

Sinabi ni Paguyod na ihahain ng kanyang team ang arrest warrant laban sa magkapatid na Richard at Caloy Cañaliso dahil sa kaso ng iligal na droga, lalo na sa pagtatanim ng marijuana sa nasabing lugar.



Ngunit hindi nakita ng mga awtoridad ang dalawa, sa halip nahuli si Christopher na nagtatanim ng marijuana.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">