Advertisers

Advertisers

2 ‘scalawag’ traffic enforcers kalaboso

0 162

Advertisers

KALABOSO ang dalawang nagpapanggap na miyemrbo ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) para lamang makapangotong sa mga tanker truck sa kahabaan ng Quirino Avenue, kanto ng Clean Fuel gasoline station, Pandacan, Manila.

Kasalukuyang nakakulong sa MPD-Special Mayors Reaction Team ang mga naaresto na sina Rocky Macarian, 34 anyos, residente ng 1901 Int.61 Bo. Barona, Pandacan; at Jeromile Millel, 43, nakatira sa 416 Concha St., Tondo. Kapwa sila dating MTPB enforcers.

Ayon kay SMaRT Chief, Major Edward Samonte, dumulog sa kanila ang mga tauhan ng MTPB na sina Elvin Vicquerra at Reynald Dolletin upang humingi ng police assistance kaugnay sa kanilang “scalawag” operation laban sa mga natanggal na MTPB traffic enforcer na nangingikil ng pera sa traffic violators sa Maynila.



Nobyemre 11, 3:35 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon sa nasabing lugar kungsaan naabutan ang dalawa na nakasuot pa ng MTPB uniform at nagsasagawa ng trapiko at pinapara ang mga nagdaraang tanker truck.

Nang lapitan ng mga otoridad upang tanungin kung saang sector sila kasama, umalis at tinangkang hubarin ang suot na uniporme ng dalawa. Hindi rin sila makapagpakita ng ID at mission order kaya sila inaresto.



Sasampahan ng kasong paglabag sa Usurpation of Authority of Official Functions at Illegal Used of Uniform and Insignia. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">