Advertisers
PATAY ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army na nasa ‘Regional Watchlist’ sa Bicol sa i buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Quisape, Barangay Maguiron, Guinobatan, Albay, Huwebes ng madaling araw.
Ayon kay Police Major Larry Niño Prepotente, hepe ng Guinobatan MPS, kinilala ang nasawi na si Corporal Aaron Magbuhat, 33 anyos, miyembro ng Rigo-Magbuhat Group at konsideradong high value target.
Sa ulat, nagresulta ang isinagawang operasyon sa palitan ng putok ng magkabilang panig nang manlaban si Magbuhat.
Dahil sa tinamong tama ng bala ng baril, binawian ng buhay si Magbuhat habang wala namang naitalang sugatan sa panig ng operating units.
Narekober kay Magbuhat ang service firearrm na kalibre 45, pampasabog at 2 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.
Ipinaabot narin ng mga otoridad sa kamag-anak ni Magbuhat ang nangyari rito.