Advertisers
NAGSILANG ang isang ginang ng sanggol na may fetus sa tiyan mula sa General Santos City.
Isinilang ng hindi pinangalang misis ang kanyang anak September 19 ngunit nakita sa tiyan ng supling ang isang fetus na tinatawag na “parasitic twin”.
Paliwanag sa kanila ng doktor, kakambal sana ito ng kanyang anak ngunit imbes mabuo ito sa kanyang sinapupunan, nabuo ito sa loob ng tiyan ng sanggol.
Ayon sa ulat, isa itong pambihirang kaso na naitatala lamang sa isa sa 500,000 kaso sa buong mundo.
Samantala, nabuhay parin ang supling ng ginang nang sumailalim sa isang maselang operasyon, tinanggal ang fetus sa tiyan ng baby.
Nakalabas na sa ospital ang mag-ina sa pamamagitan ng isang promisory note, nguni’t kailangan parin nilang makalikom ng malaking halaga ng pera upang mabayaran ng buo ang ospital.