Advertisers

Advertisers

Bgy. official patay sa ambush

0 286

Advertisers

PATAY ang isang opisyal ng barangay nang pagbabarilin Linggo ng umaga sa Cavite City.

Kinilala ang biktima na si Filimon Ambrocio Jr., 50 anyos.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang biktima na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang live-in partner sa kahabaan ng R. Basa Street sa Barangay 54, San Roque lampas 8:00 ng umaga.



Pagdating nila sa corner ng E. Mariano Street, binaril ang biktima ng lalaking nakasuot ng long-sleeved top at maong pants.

Batay sa ulat ni Lt. Colonel Jerry Corpuz, acting chief ng Cavite City Police Station, agad namatay ang biktima.



Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon sa krimen.(Irine Gascon/Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">